Bong Revilla Kapuso sitcom, last two Sundays na lang

Sen. Bong, puspusan ang paghahanda para sa ika-57 birthday celebration
by PEP Troika
Published Aug 13, 2023
Last two Sundays na lang ng GMA-7 action sitcom ni Senator Bong Revilla na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Ipapalit sa timeslot nito ang The Voice Generations, hosted by Dingdong Dantes.

GORGY RULA:

Last two Sundays na lang ang action-comedy series ni Senator Bong Revilla na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Ang papalit sa timeslot nito simula sa August 27 ay ang The Voice Generations na hinu-host ni Dingdong Dantes.

Ngayong Linggo ay special guest nina Sen. Bong sa Walang Matigas na Pulis... ang maybahay niyang si Cong. Lani Mercado.

Si Cong. Lani ang original na Gloria sa movie version at ang unang tumitili ng "Tolome!!!"

Pero dito sa episode na ito ngayong Linggo, iba ang karakter na gagampanan ni Cong. Lani na may ibang asawang titilian. Si Sen. Bato dela Rosa ang gaganap na asawa niya.

Riot daw ang taping nila ng episode na ito, dahil may pitik daw itong si Sen. Bato na nakakatawa.

Pagkatapos ng first season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay paghahandaan nina Sen. Bong ang kanyang 57th birthday celebration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaganapin ang kanyang birthday celebration sa September 25 sa Okada Manila. Pero may iba pa silang ipagdiriwang, ang 50th anniversary niya sa showbiz.

May special silang gagawin na iere sa GMA-7 sa October. Tutulong din dito ang ABS-CBN dahil may mga nagawang pelikula si Sen. Bong sa Star Cinema.

Nangako raw ang ABS-CBN na tutulong sa selebrasyong ito.

Kaya parang collaboration na rin ito ng GMA-7 at ABS-CBN para makasama ni Sen. Bong ang mga nakatrabaho niya sa loob ng 50 years mula sa mga artistang nakasama, pati sa direktor hanggang sa mga producers ng mga pelikulang nagawa niya.

NOEL FERRER:

Ow, at least mag-e-exit frame ang sitcom ni Senator Bong Revilla nang may mataas na ratings, at heto, may malaking pagdiriwang pa para sa 50th Anniversary niya sa showbiz.

After the sitcom, tuloy kaya ang plano ni Senator Bong na magbalik-pelikula with a vehicle like FPJ’s Isisumbong Kita Sa Tatay Ko?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sino kayang sikat na young star ang napupusuang makasama ni Senator Bong?

Sana, kasing-ok ni Juday!!!

JERRY OLEA:

Blockbuster ang unang pelikula ng Star Cinema, ang Adan Ronquillo na pinagbidahan ni Sen. Bong, with Sheryl Cruz as his leading lady. Mayo 8, 1993 yun ini-release.

Kung gagawa si Bong ng movie na mala-Isusumbong Kita Sa Tatay Ko, wish kong gumanap na anak niya si Jillian Ward. Puwedeng leading lady niya si Herlene Budol aka Hipon Girl.

Take note na namamayagpag sa Kapuso afternoon prime ang drama series ni Jillian na Abot Kamay ang Pangarap, at serye ni Hipon Girl na Magandang Dilag. Winner!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Last two Sundays na lang ng GMA-7 action sitcom ni Senator Bong Revilla na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Ipapalit sa timeslot nito ang The Voice Generations, hosted by Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results