Dating Sikat na Aktor, ano ang relasyon sa isang Mayamang Babae?

Labas-masok daw kasi sa exclusive membership club kahit hindi member.
by PEP Troika
Published Aug 13, 2023
Labas-masok si daw Dating Sikat Actor sa isang exclusive membership club kahit hindi member. Paano? Dahil daw sa isang Mayamang Babae.

GORGY RULA

May nakarating na tsika sa PEP Troika na naintriga raw ang mga mayayamang miyembro ng isang exclusive membership club kung paano nakapasok sa kanila itong Dating Sikat Actor (DSA).

Napag-alaman daw nilang may sariling kabayo roon si DSA, pero hindi naman siya member.

Nag-imbestiga raw ang ibang Maritess, at nalaman nilang gamit ni DSA ang membership ng isang Mayamang Babae.

Hindi raw nila masabing may relasyon ang dalawa, at hindi rin daw nila kinu-consider na matronic na itong Mayamang Babae, kahit na mas matanda siya kay DSA na hindi na rin kabataan.

Maganda raw itong si Mayamang Babae, na member ng exclusive membership club na iyon, at, obviously, doon siya nakatira sa village.

Matikas pa rin daw talaga itong si DSA. Alagang-alaga ang katawan, kaya nandiyan pa rin ang angking kakisigan.

Ang narinig pa raw ng mga Maritess dito kay DSA, na-link na rin daw ito sa ibang matrona, pero hindi rin nagtagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natsismis din si DSA sa ilang mayayamang bading, pero sa ngayon, ayaw na raw ni DSA sa mga bading.

Mas type na raw niya ang mga matrona dahil bukod sa maganda pa rin naman sila, ang iba ay mas galante pang di hamak sa ilang mayayamang bading.

Read:

Premyadong aktres, tinangkang sulutin ng talent manager

Pretty Actress naka-fling si Sikat na Aktor

NOEL FERRER

Hay, narinig ko rin iyan sa isang umpukan kung paano na-in love sa kanya ang mga may-ari ng mga beauty businesses dahil magaling siyang magtrabaho with his crooked wares.

Sa mga “dangerous liaisons” siya talaga nakikilala, di ba? Sana, sa pagka-aktor din niya.

Read:

Sikat na Personality secret love ni Mayamang Politician?

Anak ni happily married actress, kahawig ni '90s hunk?

JERRY OLEA

Noong 1990s ang kasikatan ng DSA sa TV at pelikula. Nakilala ko siya bago pa mag-artista, at noon pa man ay mabait at mapagbigay na siya sa mga accla.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May makulay rin siyang episodes sa older women, kagaya ng affair niya sa isang doktora na malapit nang maging septuagenarian.

Makisig pa rin si DSA, at hindi nakakapagtaka na marami pa rin ang nahuhumaling sa kanya.

Read:

Byuting Aktres, karir sa pag-ex-deal para sa kanyang kasal

Guwapong leading man at magandang lead actress, nahuling "nagpa-practice" ng kissing scene off cam

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Labas-masok si daw Dating Sikat Actor sa isang exclusive membership club kahit hindi member. Paano? Dahil daw sa isang Mayamang Babae.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results