Yassi Pressman at Jon Semira, hiwalay na?

Hummingbird tattoo ni Yassi, palaisipan din
by Jojo Gabinete
Published Aug 12, 2023
Hiwalay na nga ba sina Yassi Pressman at ang boyfriend nitong si Jon Semira? Bagamat walang direktang pag-amin mula sa kanila, naintriga ang netizens sa Instagram post ni Yassi ngayong Sabado, Agosto 12.

Ang mga cryptic social media post ni Yassi Pressman ang nagbigay ng ideya sa kanyang mga tagasubaybay na hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Jon Semira.

Dalawang araw na ang nakalilipas mula nang ipasilip ni Yassi sa IG account nito ang larawan ng bagong tattoo sa kanan na tagiliran ng kanyang katawan, isang hummingbird na nilagyan ng caption na ‘it’s nice to be free like this hummingbird on me.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Sabado, August 12, 2023, mas nakakaintriga ang entry ni Yassi sa kanyang IG na “not triple.not double.but SINGLE.”

May mga nagpapatotoo na matagal nang hiwalay sina Yassi at Jon. Hindi pa naglalabas ng pagtanggi o kumpirmasyon ang magkabilang panig pero hindi na follower si Jon ng Instagram account ng aktres na malaki ang pagpapahalaga sa pribadong buhay niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

July 21, 2022 nang aminin ni Yassi sa publiko ang relasyon nila ng Toronto-based businessman dahil sa kanyang Instagram post, ang pagbati niya kay Jon ng maligayang kaarawan.

“HBD. So happy with where life has brought us, so lucky to have you calm my anxieties, hold my hand, push me to become better & empower me.

“I promise to keep giving u surprise cheek kisses at random times of the day even when u think I’m kulit,” ang birthday message ni Yassi para kay Jon noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang television interview noong May 2023, nagkuwento si Yassi na taga-Canada si Jon, pero bumalik at nanirahan ito sa Pilipinas dahil sa kanya.

“I think it’s pretty secure,” ang pagsasalarawan niya tungkol sa pagmamahalan nila ni Jon.

“Something I guess I was needing after a lot of the things that have happened in my life. And finally, parang it feels like home na no pressure, no stress, very, very light,” ang sabi ni Yassi.

Pero noong July 2023, wala na siyang mensahe para sa kaarawan ng kanyang boyfriend na lalong nagpatibay sa mga hinala na winakasan na nila ang kanilang relasyon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hiwalay na nga ba sina Yassi Pressman at ang boyfriend nitong si Jon Semira? Bagamat walang direktang pag-amin mula sa kanila, naintriga ang netizens sa Instagram post ni Yassi ngayong Sabado, Agosto 12.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results