Carlo Aquino, Khalil Ramos, Mikoy Morales, iba pang best bets sa Cinemalaya 2023 awards

Ashley Ortega, Jorrybell Agoto may laban sa Best Actress!
by PEP Troika
Published Aug 12, 2023
Mahusay ang pagganap nina Mikoy Morales, Carlo Aquino, at Khalil Ramos sa mga karakter na pinortray nila sa Cinemala XIX.

JERRY OLEA

Eric vs Eric kaya ang labanan sa kategoryang best actor ng Cinemalaya XIX: ilumiNasyon?

Eric ang pangalan ng karakter ni Mikoy Morales sa horror film na Tether, ganoon din ang karakter ni Carlo Aquino sa animated film na Iti Mapukpukaw.

Hindi nagsasalita si Eric sa Iti Mapukpukaw. Wala siyang bibig.

Pero sabi ng co-star ni Carlo na si Dolly de Leon, ramdam mo sa mga mata ng karakter ang damdamin nito. Maging si Direk Mac Alejandre ay humanga sa “performance” ni Carlo.

Take note na ang pangalan ng karakter ni Gio Gahol sa nasabing movie ay Carlo.

May laban din sa best actor race si Paolo O’Hara para sa Ang Duyan ng Magiting, si JK Labajo para sa When This Is All Over, at si Khalil Ramos para sa As If It’s True.

Napakarubdob ng monologo ni Khalil sa sukdulan ng pelikula nila ni Ashley Ortega.

True, may laban si Ashley sa pagka-best actress, ganoon din si Gabby Padilla para sa Gitling, at ang bida ng fun-fun movie na Rookie na si Pat Tingjuy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bet ko si Jorrybell Agoto na wagas ang akting bilang Rosemarie sa When This Is All Over, at nagpakitang-gilas din sa Tether.

Read: Jorrybell Agoto, malakas ang laban bilang Best Actress sa Cinemalaya

Deserving ang Ang Duyan ng Magiting na pagkalooban ng Best Ensemble award, if ever.

Sakdal husay rito sina Paolo O’Hara, Agot Isidro, Dolly de Leon, Frances Makil Ignacio, Jojit Lorenzo, Joel Saracho, at Bituin Escalante.

Ang awards night ng Cinemalaya 2023 ay sa Agosto 13, Linggo, ng 7:00 p.m. sa PICC Lobby.

Sinu-sino kaya ang magkakamit ng Balanghai trophy? Nakasalalay ang pagpapasya sa limang hurado: actress Shamaine Centenera Buencamino, cinematographer Neil Daza, director-visual artist Raya Martin, festival programmer Park Sungho, and film producer-curator Lorna Tee.

NOEL FERRER

Habang lahat tayo ay nagbunbunyi pa rin sa pagkapanalo ni John Lloyd Cruz na Best Actor sa 76th Locarno Film Festival para sa pelikulang Essential Truth of the Lake ni Direk Lav Diaz, tuloy pa rin tayo sa pagpaparangal sa mga kababayan natin sa ating pinakamalaking indie filmfest na Cinemalaya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: John Lloyd Cruz wins Boccalino d’Oro at 76th Locarno Film Festival

Pareho tayo ng mga napupusuang manalo, Tito Jerry, at sa Best Picture, pinakapulido at maayos ang film language sa akin ng Gitling, Iti Mapukpukaw, at As If It’s True.

Mahusay nilang napagsanib ang mga elemento ng cinematography, sound, music, editing, at acting na bumagay sa kanilang kuwento.

Siyempre, ang mga director nitong tatlong pelikulang ito rin ang bet nating maging best director, di ba?

Ngayong naipahayag na ang Iti Mapukpukaw at Rookie ang ang highest grossers sa Cinemalaya 2023, isa na rito ang magiging Audience Choice malamang.

Pero dumami ba ang audience attendance ngayong taon sa Cinemalaya?

We’ll also wait for this data. What is certain is malaking factor ang pagkakaroon ng event para mapagsama-sama ang mga taong may malasakit ibangon at buhayin at paunlarin muli ang pelikulang Pilipino.

Ngayong Sabado ng 9:00 p.m. sa PICC Cinema Rizal, mapapanood ang closing film na Third World Romance ni Direk Dwein Baltazar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Third World Romance (Love on a Budget) focuses on the story of Britney (Charlie Dizon), an outspoken grocery cashier, and Alvin (Carlo Aquino), a laid-back grocery bagger. Both seek the difficult goal of being happy and content despite the harsh realities of their blue-collared lives and the bleak background of the pandemic.

When Britney faces a choice between love and survival, she realizes that happiness comes with a great cost.

Read: Charlie Dizon on Carlo Aquino's confession of love for her: "Noong una, medyo kinabahan ako."

The Cinemalaya XIX closing film is open and free to the public on a first-come, first-served basis. Tickets will be released two hours before the scheduled screening time at the PICC vestibule near the exit area.

GORGY RULA

Tatlong entries na lang ang hindi ko pa napanood, pero siguro wala naman akong na-miss doon.

So far, ang pinakagusto ko ay iyung As If It's True, lalo na't napakagaling dito ni Khalil Ramos at ganundin si Ashley Ortega.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang nagsasabing puwede nila makuha ang acting awards, at tiyak na walang kokontra.

Pero kahit bet na bet kong Best Actor si Khalil, hindi naman natin alam kung ano ang taste ng Jury, kaya abangan na lang natin sa awarding ceremony sa Linggo.

Ang sabi ni Sir Jerry, sa mga pelikulang kalahok, may pagka-commercial dito ang Rookie nina Samantha Lee and Natts Jadaone na isa sa nag-attract ng pinakamaraming moviegoers.

Sa tingin ko, isa sa puwedeng magustuhan din ng mga manonood kung isu-showing ito sa mga sinehan ay ang As If It's True ni John Rogers, lalo na't nahuhumaling naman ang karamihan sa social media.

Pero mas genzing-Gen Z naman itong When This Is All Over ni Kevin Mayuga. Magaling din dito si JK Labajo, lalo na si Jorrybell Agoto.

Nakakatuwa na hindi rin nagpahuli ang mga Kapuso stars na sina Mikoy Morales, Khalil, at Ashley.

Suportado pa sila ng Sparkle na tumulong sa promo ng kanilang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sana, may mga big stars tayong makakasali sa Cinemalaya XX sa 2024.

Kagaya nung mga nakaraang taong may Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta, Coco Martin, Ai-Ai delas Alas, at marami pa.

JERRY OLEA

Ngayong Agosto 12, Sabado, ang ikasiyam na araw ng Cinemalaya XIX: ilumiNasyon. Palabas pa rin ang entries sa Philippine International Convention Center (Cinema Rizal, Cinema Bonifacio, Cinema Felipe) at Ayala Malls (Manila Bay Cinema 9, Trinoma Cinema 1, Glorietta Cinema 2, UP Town Center Cinema 3).

Bukas, Agosto 13, Linggo, ang huling araw ng indie filmfest. Showing pa rin ang ilang entries sa Ayala Malls.

Sa PICC ay iyong dalawang box-office hit na lang ang ipapalabas sa Cinema Felipe — ang GL (Girls Love) movie na Rookie (12:45 p.m.), at ang BL (Boys' Love) movie na Iti Mapukpukaw (3:30 p.m.).

Sa sampung competing feature-length films ng Cinemalaya ay isa lamang ang G, iyong Bulawan Nga Usa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawa ang PG, iyong Rookie at Gitling. Iyong pito pa ay pawang R-13.

Pinakamapangahas sa mga iyon ay ang Huling Palabas, kung saan pwetmalu sina Jay Gonzaga, Shun Mark Gomez, at Cedrick Juan.

May paandar ding intimate scenes sina Ashley Ortega at Khalil Ramos sa As If It’s True, at sina Mikoy Morales at Jorrybell Agoto sa Tether.

Kabilang sa mga artistang may dalawang entry sa Cinemalaya 2023 sina Jorrybell Agoto (When This Is All Over, Tether), Dolly de Leon (Ang Duyan ng Magiting, Iti Mapukpukaw), Agot Isidro (Ang Duyan ng Magiting, Rookie), Joel Saracho (Ang Duyan ng Magiting, Rookie), at Mikoy Morales (Tether, Rookie).

Si Gabby Padilla na lead actress ng Gitling ay suporta sa opening film na Marupok AF, kung saan bida sina EJ Jallorina, Maris Racal, at Royce Cabrera.

Si Carlo Aquino na lead actor ng Iti Mapukpukaw ay siya ring bidang lalaki sa closing film na Third World Romance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahusay ang pagganap nina Mikoy Morales, Carlo Aquino, at Khalil Ramos sa mga karakter na pinortray nila sa Cinemala XIX.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results