Premyadong aktres, tinangkang sulutin ng talent manager

Loyal si premyadong aktres.
by Jojo Gabinete
Published Aug 13, 2023
Sino itong premyadong aktres na kinumbinsi ni talent manager na iwanan ang mga taong namamahala sa kanyang showbiz career?

Dismayado sa isang talent manager ang mga namamahala sa showbiz career ng isang premyadong aktres dahil sa tangka niyang panunulot.

Pero nabigo si talent manager.

Ang premyadong aktres ang nagkuwento sa mga namamahala sa kanyang showbiz career na kinausap siya ng talent manager, at inalok na lumipat sa talent-management agency nito.

Read:

Aktor, clueless sa pagtatapos ng kinabibilangang programa

Pretty Actress naka-fling si Sikat na Aktor

Network contract ang alok ng talent manager sa premyadong aktres dahil may kontrata umano sa isang television network ang lahat ng mga alaga nito kaya hindi raw nawawalan ng mga proyekto.

Nawalan ng saysay ang pangungumbinsi ng talent manager sa premyadong aktres, na may loyalty, at tunay na pamilya ang turing sa mga taong nangangalaga, hindi lamang sa acting career niya kundi pati sa kanyang personal na buhay.

Magalang na tinanggihan ng premyadong aktres ang alok ng talent manager.

Read:

Controversial Starlet, nag-iimbestiga kung magkakilala ang boyfriend at ang model-actress

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Personality, sadyang iniwasan si Star?

Sinabi ng premyadong aktres na walang rason para lumipat ito sa ibang talent-management agency dahil bukod sa kuntento siya, maganda ang samahan nila ng mga nammahala sa kanyang showbiz career.

At dahil likas na matapat ang premyadong aktres na walang inililihim sa mga taong pinagkakautangan ng utang na loob, ikinuwento niya ang pakikipag-usap sa kanya ng talent manager.

Ikinalungkot ng mga namamahala sa showbiz career ng premyadong aktres ang pagtatangka ng talent manager na sulutin ang kanilang alaga, na hindi kailangan ng network contract dahil may existing contract sa television network na kinabibilangan.

Read:

Aktres, nagbubulag-bulagan lamang sa pagtataksil ng mister?

Byuting Aktres, karir sa pag-ex-deal para sa kanyang kasal

Nadismaya man sa inasal ng talent manager, natuwa ang mga namamahala sa showbiz career ng premyadong aktres dahil napatunayan nilang loyal ito, may paninindigan, hindi matatawaran na prinsipyo, at hindi nagpapasilaw sa mga matatamis na pangako.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino itong premyadong aktres na kinumbinsi ni talent manager na iwanan ang mga taong namamahala sa kanyang showbiz career?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results