Update on Daniel Sancho's case; Dad of dismembered Colombian surgeon asks son's body to be returned

Kumuha ng Spanish law firm ang mga magulang ni Daniel.
by Jojo Gabinete
Published Aug 12, 2023
Kasalukuyang nakakulong sa Koh Samui si Daniel Sancho, na nasa ilalim ng suicide watch o mahigpit na binabantayan dahil sa pangambang wakasan niya ang sariling buhay.

Hustisya para sa pagpatay sa anak at pagbabalik ng kahit kapirasong bahagi ng katawan ang mga kahilingan ni Leobaldo Arrieta, ang ama ni Edwin Arrieta, na pinatay at kinatay ni Daniel Sancho.

Si Erwin ay isang 44-year-old Colombian surgeon.

Edwin Arietta

Si Daniel ay 29-year-old YouTube celebrity chef na anak ng popular Spanish actors na sina Rodolfo Sancho at Silvia Bronchalo.

Ang pakiusap ni Leobaldo sa panayam sa kanya sa isang television show sa Colombia ay ibalik sa kanya, kahit ang kapirasong bahagi ng katawan ng anak niya na pinatay sa isla ng Ko Pha Ngan, sa lalawigan ng Surat Thani Thailand, noong August 2, 2023.

"Kinuha nila ang buhay ko. Siya ang sumusuporta sa akin,” ang sabi pa ng ama ni Edwin.

Leobaldo Arietta, dad of Edwin Arietta

Read:

Hong Kong socialite Abby Choi, 28, karumal-dumal na pinatay, kinatay

Who is Abby Choi?

Inamin ni Daniel ang pagpaslang kay Edwin dahil sa diumano’y pananakot ng huli na ilalabas sa publiko ang mga ebidensiya o intimate pictures na magpapatunay na may relasyon sila.

Sinabi ni Daniel sa mga imbestigador na hostage siya ni Edwin na matindi ang pagnanasa sa kanya, at pinupuwersa siyang makipagtalik kaya nangyari ang krimen sa hotel na tinutuluyan niya.

Pero lumitaw sa imbestigasyon ng Thai Police na pinagplanuhan ni Daniel ang pagpatay kay Edwin dahil sa mga nakalap na security video, na nagpakitang bumili siya ng mga kutsilyo ilang oras matapos na maghapunan sila ng biktima.

Read: Lucila Lalu & Elsa Castillo: The Philippines' "Chop-chop Ladies"

Daniel Sancho

Nakakuha rin ang mga imbestigador ng kopya ng surveillance video na angkas ni Daniel si Edwin sa motorsiklo.

Daniel Sancho and Erwin Arietta

Tatlong oras na kinatay ni Daniel sa labing-apat na bahagi ang katawan ni Edwin. Pagkatapos ay isinilid niya sa travel bag at mga plastic bag ang mga pira-pirasong katawan, saka itinapon sa dagat at tambakan ng basura.

Na-recover ng Thai police divers sa dagat ang ulo at mga kamay ng biktima.

Mula sa Espanya, agad na nagpunta sa Thailand ang mga magulang ni Daniel nang malaman nilang sangkot sa karumal-dumal na krimen ang kanilang anak.

Malaking balita sa buong mundo ang pangyayari dahil mga sikat na artista sa Spain sina Rodolfo at Silvia, celebrity chef si Daniel, at kilalang cosmetic surgeon si Edwin sa Colombia.

Kinuha nina Rodolfo at Silvia ang serbisyo ng the Balfagón-Chippirrás Criminological-Legal Firm sa Madrid bilang kaagapay ng Thai legal counsel ni Daniel.

Kinuha ring spokesperson ng pamilya ang criminologist na si Carmen Balfagon, na kabilang sa mga pahayag niya, "We are convinced that there is something else and that is what we want to know."

Read: 11 showbiz celebrities who died before they turned 22

Respeto para sa kanilang pamilya, pati na kay Daniel, sa panahon ng matinding pagsubok na pinagdaraanan nila ang panawagan nina Rodolfo at Silvia sa publiko.

Humingi na ng pumanhin si Daniel sa pagpatay nito sa biktima, at inulit niyang hindi na siya magsasalita bilang paggalang sa mga apektadong pamilya.

Ang pahayag na binasa ng abogado na kumakatawan kay Daniel, "We appreciate the interest of the press, but we cannot make statements at this time so as not to interfere in the investigation, and to respect the painful moment that both families are experiencing in this terrible situation that we had to live."

Kasalukuyang nakakulong sa Koh Samui si Daniel, na nasa ilalim ng suicide watch o mahigpit na binabantayan dahil sa pangambang wakasan niya ang sariling buhay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasalukuyang nakakulong sa Koh Samui si Daniel Sancho, na nasa ilalim ng suicide watch o mahigpit na binabantayan dahil sa pangambang wakasan niya ang sariling buhay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results