Vilma Santos, "feeling heaven" sa pagkaabsuwelto ng anak na si Luis Manzano

Luis Manzano, napatunayang walang kasalanan.
by Jojo Gabinete
Published Aug 10, 2023
“Feeling Heaven. Thank you Lord !!” Ito ang reaksiyon ni Vilma Santos sa pagkakaabsuwelto ng anak na si Luis Manzano sa kasong kinasasangkutan ng mga may-ari ng Flex Fuel Corporation.

“Feeling Heaven. Thank you Lord !!”

Ito ang sagot ni Star for All Seasons Vilma Santos nang hingin ng Cabinet Files ang reaksiyon niya tungkol sa magandang balitang hindi kasali ang kanyang anak na si Luis Manzano sa mga sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong syndicated estafa.

May kaugnayan ito sa hinaing ng mga investor laban sa pamunuan ng Flex Fuel Corporation dahil sa kagustuhan nilang mabawi ang kanilang mga ipinagkatiwalang puhunan.

Read: NBI absolves Luis Manzano in syndicated estafa complaint vs Flex Fuel executives

Maigsi lamang ang sagot ng award-winning actress pero bakas ang labis na kaligayahang nararamdaman niya dahil napatunayan ng NBI na walang kasalanan si Luis.

Nasaktan si Vilma sa mga akusasyon laban kay Luis at napaluha siya nang ilabas ang kanyang nararamdaman bilang ina sa live guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda noong Februry 14, 2023.

Pahayag niya sa naturang interview, “Ang anak ko tumutulong, hindi nangloloko. Kaya yung mga nagsasalita, naghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Walang ibang nakakakilala sa anak ko kundi ako and I know he’s such a good person.”

Aapela pa noon ni Vilma sa mga naninira kay Luis: “Ako na lang. Huwag ang anak ko, ako na lang."

Hindi napigilan ni Vilma ang sarili na magsalita dahil aniya, “Mahirap din kasi na kung minsan, it’s your job to do good. To show people that you’re comfortable, pero deep inside, you’re hurting.”

Read: Vilma Santos breaks down when asked about son Luis Manzano's investment issue

Napalitan ng kaligayahan ang sakit na naramdaman noon ni Vilma dahil hindi kasali si Luis sa labing-isang tao na sinampahan ng kasong syndicated estafa ng NBI sa Taguig City Prosecutor’s Office.

Higit sa lahat, buong-buo ang tiwala sa kanyang anak ng publiko na naniniwalang hindi magagawa ng aktor na manloko ng kapwa, lalo na kung tungkol sa pera ang isyu.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Feeling Heaven. Thank you Lord !!” Ito ang reaksiyon ni Vilma Santos sa pagkakaabsuwelto ng anak na si Luis Manzano sa kasong kinasasangkutan ng mga may-ari ng Flex Fuel Corporation.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results