Negosyanteng nagdidiin kay Luis Manzano sa Flex Fuel case, naging laman ng balita noong 2017

Mister ng negosyanteng si Jinky Sta. Isabel, nasangkot sa murder with kidnapping case.
by Jojo Gabinete
Published Aug 10, 2023
Ang businesswoman na si Jinky Sta. Isabel (kaliwa) ang isa sa mga investor ng Flex Fuel, at siya ang spokesperson ng mga nagrereklamo. Idiniin ni Jinky ang TV host-actor na si Luis Manzano (kanan) nang magpainterbyu ito sa mga news program tungkol sa reklamo nila laban sa Flex Fuel.

Ang integridad at kredibilidad ni Luis Manzano ang dalawa sa mga dahilan kaya positibo ang mga komento tungkol pagkakaabsuwelto niya sa reklamong isinampa ng mga investor laban sa Flex Fuel Petroleum Corporation.

Read: NBI absolves Luis Manzano in syndicated estafa complaint vs Flex Fuel executives

Marami ang naniniwalang inosente si Luis at nadamay lamang ito dahil siya ang celebrity ambassador ng kompanyang pag-aari ng kanyang dating matalik na kaibigan, si Flex Fuel President Ildefonso “Bong” Medel Jr., na sumira at umabuso sa pagtitiwala niya.

Syndicated estafa ang kasong pormal na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Medel Jr. at sa ibang mga opisyal ng Flex Fuel.

Hindi kasama si Luis sa mga sinampahan ng kaso ng NBI sa Taguig City Prosecutor’s Office dahil nagbitiw siya bilang isa sa mga incorporator ng kompanya noong 2021.

Bukod sa utang sa kanya ng Flex Fuel na PHP66 million, naghain din si Luis ng reklamo sa NBI. Siya rin ang nilapitan at hiningan ng tulong ng mga investor na hindi mabawi ang kanilang mga puhunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Luis Manzano seeks NBI's help to investigate Flex Fuel Corporation

Ang businesswoman na si Jinky Sta. Isabel ang isa sa mga investor ng Flex Fuel, at siya ang spokesperson ng mga nagrereklamo.

Kahit kabilang si Luis sa mga biktima, siya ang idiniin ni Jinky nang magpainterbyu ito sa mga news program noong February 2023 tungkol sa reklamo nila laban sa kompanya ni Medel.

jinky sta. isabel flex fuel

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung gusto ninyo itong bayaran o i-settle ito, tutal nasa inyo yung mga pera namin, gawin niyo na po as early.

"Kasi kami naman po, ilan lang kayong incorporators versus 130-plus complainants. Saan naman po yung hustisya doon?

“Kaya kung ako sa yo, Sir Luis, i-settle niyo na po yung mga investor ninyo at makakatulog na tayo nang mahimbing tutal nakinabang naman po kayo sa pera namin,” pahayag ni Jinky sa mga news program na inikot niya para idiin at sisihin si Luis.

Read: Luis Manzano in hot water over investment issue involving "childhood friend"

Pamilyar ang pangalan ni Jinky Sta. Isabel dahil naging laman din siya ng mga balita sa mga pahayagan at TV news program noong January 2017.

Nasangkot ang kanyang asawang si SPO3 Ricky Sta. Isabel sa kidnapping at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick-joo, na inakusahang sangkot sa pagbebenta ng illegal drugs, noong October 18, 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ricky ang pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa pamamagitan ng pagsakal sa biktima sa Camp Crame grounds. Malaking balita noon ang krimen dahil nangyari ito sa loob ng Camp Crame.

Dinala ang bangkay ni Jee Ick-joo sa isang punerarya sa Caloocan City para i-cremate, saka itinapon sa toilet bowl ang abo ng kanyang mga labi.

jinky sta. isabel 2017

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inimbestigahan ng senado ang karumal-dumal na krimen.

Si Senator Grace Poe ang nagsabing dapat isama sa imbestigasyon si Jinky dahil walong libong piso lamang kada buwan ang suweldo ni Ricky bilang pulis, pero nagkakahalaga ng P20.3 million ang net worth ng mag-asawa.

Ikinatuwiran ni Ricky sa senado na cum laude si Jinky nang magtapos ito ng law sa Manuel L. Quezon University pero hindi kumuha ng bar exam.

Inilahad ni Ricky na matalino ang kanyang asawa at nagkaroon sila ng pera dahil sa mga negosyo ni Jinky tulad ng lotto outlet, insurance, Bayad Center, at Western Union franchise.

Sa kabila ng paliwanag ni Ricky, sinabi ni Poe na dapat silipin ang tax records ni Jinky.

Noong January 21, 2023, nagpatawag si Jinky ng press conference sa tahanan nila para patunayang inosente sa kasalanan na ibinibintang ang kanyang asawa.

Ipinakita ni Jinky sa mga miyembro ng media ang mga footage mula sa CCTV at larawan ng aktuwal na pagdukot kay Jee, pero iginiit niyang fall guy lamang si Ricky at hindi ito ang lalakeng nakunan na nagwi-withdraw ng pera mula sa ATM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong June 6, 2023, reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang hatol ng Branch 60 ng Regional Trial Court ng Angeles City, Pampanga, sa asawa ni Jinky.

"Guilty beyond reasonable doubt of the special complex crime of Kidnapping with Homicide under Article 267" ang desisyon ng korte tungkol sa kaso ng pagpatay ni Ricky sa South Korean businessman.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang businesswoman na si Jinky Sta. Isabel (kaliwa) ang isa sa mga investor ng Flex Fuel, at siya ang spokesperson ng mga nagrereklamo. Idiniin ni Jinky ang TV host-actor na si Luis Manzano (kanan) nang magpainterbyu ito sa mga news program tungkol sa reklamo nila laban sa Flex Fuel.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results