Watch Now

Maine Mendoza "not tolerating" Arjo Atayde; hopes boyfriend gets the chance to tell his side

by Test Author
Aug 20, 2021
PHOTO/S: Noel Orsal

Mariing itinanggi ni Maine Mendoza na kinukunsinti o tino-tolerate niya ang paglabag diumano ng boyfriend na si Arjo Atayde sa health protocols ng Baguio City.

shortcode

Si Arjo, at siyam pang kasamahan sa ginagawa nilang pelikula sa Summer Capital of the Philippines, ay nagpositibo sa COVID-19.

Dalawang buwan nag-shooting ang grupo nina Arjo, na nasa isandaang (100) tao ang bilang, sa Baguio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng Regional News Group-RNG Luzon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong noong Martes, Agosto 17, isiniwalat nitong nagpositibo sa COVID-19 si Arjo at siyam na katrabaho.

Pero sa halip na manatili sa lungsod at mag-quarantine doon, tumakas umano si Arjo at lumuwas papuntang Maynila nang hindi alam ni Magalong.

Sabi pa ni Mayor Magalong sa panayam, “Positive siya. Kaya lang bigla siya umalis kahapon without our knowledge, claiming na siya lang daw ang asymptomatic.

"At yung mga kasama niya, asymptomatic, iniwanan na lang niya..."

Sinabihan din niya ang aktor na huwag umalis ng siyudad, pero lumuwas daw ito pa-Maynila.

"May potential na puwede siya maka-infect ng iba dahil sa ginawa niya.

"I'm in touch with him. Binibigyan ko lang siya ng instructions na, 'Make sure na lahat ng tao mo walang lalabas, walang aalis.'

"Only to find out na iniwanan na pala niya at nakaalis na siya."

MAINE MENDOZA: "I AM NOT 'TOLERATING' HIM"

Kagabi, August 18, isang netizen ang nagpaabot ng mensahe sa girlfriend ni Arjo si Maine Mendoza sa pamamagitan ng Twitter

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw raw maniwala ng netizen na ito-"tolerate" ng TV host-actress ang mali at kakampihan nito ang nobyo.

Buong komento ng netizen: “@mainedcm ayaw kong maniwala na kaya mong itolerate ang mali, na mas pabor sayo ang ginawa ni atayde kesa sa safety ng maraming tao. Hindi isang Maine Mendoza yun.”

Sinagot ito ng Phenomenal Star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Eat Bulaga! co-host, hindi niya kinukunsinti si Arjo sa ginawa nito. Pero marami raw hindi alam ang mga tao sa totoong pangyayari.

Tugon ni Maine, “Hello! I am not 'tolerating' him but there’s just so much you do not know about the story.”

Umaasa raw siyang darating ang araw na makapagpaliwanag ang nobyo sa totoong pangyayari.

Umaasa rin si Maine na huwag mahusgahan si Arjo base sa kung ano lamang ang lumalabas sa social media.

Saad niya, “And I hope he gets the chance to tell his side and the context of what had happened these past few days.

"I also hope you do not base your judgments solely on what you see online because you might just be seeing an angle of the real scenario.”

ARJO ATAYDE’S SIDE

Kahapon din ay naglabas na ang kampo ni Arjo ng pahayag ukol sa insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng Feelmaking Productions Inc., ang pag-aaring production company ni Arjo, inihayag nila ang panig ng aktor sa isyu.

Nilagdaan ang statement ng head of production na si Ellen Criste.

Ayon kay Ellen, "mutual decision" ng produksiyon, mga magulang ni Arjo na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde, at ng mga doktor ng aktor na dalhin sa ospital sa Manila si Arjo.

Taliwas ito sa pahayag ng alkalde ng Baguio.

Bahagi ng nakasaad sa pahayag: "Arjo Atayde tested positive for COVID-19 as shooting for his new film culminated in Baguio last August 16. Arjo was suffering from high fever, headaches, and difficulty in breathing.

"It was the mutual decision of Feelmaking Productions Inc., Arjo's parents, and doctors to rush the actor, who has a pre-existing medical condition, straight to a hospital in Manila on August 17.

"We have provided assistance for nine others who tested positive for COVID-19 but are asymptomatic and are currently in quarantine. We have likewise coordinated with the local officials for the necessary safety protocols."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results