Oh my goat! Jomari Nuqui, 21, PHP10K a month ang kita sa pag-aalaga ng kambing

by Bernie V. Franco
Mar 11, 2022
Jomari Nuqui, 21, ventures into goat farming this pandemic and from three goats, he now has a stable of 60 goats, which he sells.
Jomari Nuqui, 21, ventures into goat farming this pandemic and from three goats, he now has a stable of 60 goats, which he sells.
PHOTO/S: YOUTUBE (OG)

Sa kabila ng pandemya, hindi sinayang ni Jomari Nuqui, 21, ang panahon para kumita.

Naisipan niyang maging goat farmer o mag-alaga ng kambing.

Si Jomari ay mula sa Tarlac at kasalukuyang isang college student.

test

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-umpisa po iyan nung pandemic dahil wala po tayong source of income,” kuwento ni Jomari sa Summit OG video, na in-upload noong March 1, 2022.

ig shortcode

View this post on Instagram

A post shared by PEPalerts (@pepalerts)

“Bata pa po ako ay mahilig na talaga akong mag-ipon, kaya nagagamit ko po iyon ngayon sa pagbi-business ng kambing.”

Bukod sa mga magulang, inspirasyon ni Jomari ang agrikultura sa Pilipinas.

“Dahil para po sa akin, sa agrikultura po aangat ang Pilipinas.”

Si Jomari ay kumukuha ngayon ng BS Agriculture Major in Animal Science.

START OF GOAT FARMING BUSINESS

Sa PHP11,500 puhunan ni Jomari para sa tatlong kambing ay dumami na ito pagkatapos ng dalawang taon.

“After two years, meron na po tayong inaalagaan na 60 heads po na kambing ngayon.”

Pag-amin ni Jomari mahirap noong simulan niya ang negosyo, at kinailangan niyang patunayan sa kanyang mga magulang na kaya niyang mapaninindigan ang napiling negosyo.

Tap image to flip

Mabuti naman at nagbunga ang kanyang pinaghirapan.

“Sa ngayon po nakikita na po ng ating mga magulang at kapamilya na nag-i-improve po tayo, at kumikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya full support po sila ngayon sa ating business na pinasok,” ani Jomari.

Sabi pa niya, umabot na sa PHP80,000 ang kanyang investment sa goat farming.

Bukod kasi sa mga kambing, nagpatayo rin siya ng tirahan ng mga kambing, at bumili ng mga gamot at vitamins.

“Ginagawa ko po ay patuloy po akong nagpaparami ng kambing nang sa gayon mas malaki po yung magiging income at dumoble po yung kita ko.”

Ang sabi ni Jomari, kumikita siya sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga kambing.

“Kumikita po tayo ng almost P10K a month or higit pa po, depende pa sa mapaparami nating heads na kambing,” paliwanag niya.

Gumawa rin siya ng sarili niyang YouTube channel, ang AgriZbo o "agresibing agrikultura ng henerasyong Z."

Itinuturo niya sa kanyang channel ang tamang pag-aalaga ng kambing.

In the future, nagpaplano rin siyang mag-venture sa goat milking.

JOMARI ON GOAT FARMING

Maraming natutunan si Jomari sa two years niyang pagiging goat farmer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilarawan din niya ang kanyang daily routine sa pagpapastol.

Pinapakawalan ang mga ito sa bakanteng lote mula ika-siyam o ikasampu ng umaga para kumain ng mga damo.

Ibabalik naman ito sa kanilang kulungan pagsapit ng ikalima ng hapon.

Pinapadede niya ang mga batang kambing at inihihiwalay ang mga ito para hindi maipit o matapakan ng mga mas malalaking kambing.

“Ang pinakagusto ko po sa pag-aalaga ng kambing ay pagka nag-start na pong mag-kidding season,” aniya tungkol sa panganganak ng mga kambing.

goat farming

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil makikita na po natin dito yung improvement ng ating pag-aalaga.”

Paalaala niya, pinakamahirap ang kidding season dahil matrabaho ito.

Payo ni Jomari sa mga nag-iisip na mag-alaga ng kambing, araling mabuti ito.

“Una ko pong natutunan dito po sa pagnenegosyo natin ng kambing, kailangan po nating mahalin yung ating ginagawa.

“Pangalawa po, kailangan po nating magtiis at magsakripisyo para po hindi masayang yung investment natin.

“Kahit anong negosyo, kung gusto niyo po talaga ang ginagawa niyo, i-push niyo lang po.

“Marami po tayong magiging struggle, na pagdadaaanan, pero in the long run, magagamay din natin ito at magiging madali na rin para sa atin.”

Panoorin ang buong video ukol sa kuwento ni Jomari bilang estudyanteng goat farmer.

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
Jomari Nuqui
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jomari Nuqui, 21, ventures into goat farming this pandemic and from three goats, he now has a stable of 60 goats, which he sells.
PHOTO/S: YOUTUBE (OG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results