Bela Padilla recalls "hindi ako makalabas ng bahay" because of acne breakout

Bela: "I’m prone to have acne, and you know, it can cause insecurities."
by Rose Garcia
Published Jul 21, 2023
Bela Padilla on being diagnosed with PCOS since she was 19: "I’m prone to have acne, and, you know, it can cause insecurities. Even when you’re growing-up, you’re in front of the camera. Yung trabaho mo, palaging nakaharap ang mukha mo, it’s really hard."

Sa showbiz, litaw na litaw ang ganda ni Bela Padilla dahil sa maputi at makinis niyang balat.

Pero may mga pagkakataon palang nawawalan siya ng kumpiyansa sa sarili, at nagkakaroon din ng skin-care problems.

Sa gitna ng kanyang pocket interview sa piling press kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ipinakita ni Bela ang litratong nagpapakita ng kanyang acne breakout.

Nag-alangan pa ito kung ipapakita niya dahil hiyang-hiya raw siya sa nangyari sa kanyang mukha.

"Hindi…. Talaga ba? Teka, ipapakita ko sa inyo ang picture ko. Kasi, nahihiya ako. Puwedeng off the record?” natatawang pakiusap pa niya.

Read: Stars with foreign partners: Crossing borders for love

Inatake raw siya ng hormonal acne noong December 2022, at umabot sa puntong ni ayaw niyang lumabas ng bahay.

"E, kasi, alam niyo naman, I have PCOS, I have hypothyroidism. Since I was 19, I was diagnosed with PCOS," lahad ni Bela.

Ayon sa healthline.com, ang PCOS o Polycystic Ovary Syndrome ay hormonal disorder na nagsasanhi ng enlarged ovaries at pagbuo ng small cysts sa outer edges nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang hypothyroidism naman, ayon sa my.clevelandclinic.org, ay isang kundisyon kung saan ang thyroid ay hindi nakakagawa o nakaka-release ng sapat na thyroid hormone sa bloodstream—na nagreresulta sa pagbagal ng metabolism.

Read:

Patuloy ni Bela, "Lahat ng babae sa family namin, halos may PCOS. So I’m prone to have acne, and, you know, it can cause insecurities.

"Even when you’re growing up, you’re in front of the camera. Yung trabaho mo, palaging nakaharap ang mukha mo, it’s really hard."

Na-frustrate daw noon si Bela.

"I eat clean. I don’t smoke. I hardly drink nowadays. I work out four times a week. Parang wala nang ipa-flush out ang body ko.

"Kaya sabi ko, wala na talaga, hindi ko na alam. Flare-up talaga, and you don’t know when it’s gonna happen."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natatawang humirit pa si Bela na "life" raw talaga ang naging dahilan ng acne breakout niya.

Ano ba ang pinagdadaanan niya noon?

"Nag-e-edit ako ng pelikula, kakauwi ko lang from Korea. Lifestyle—yung puyat, ang laking factor talaga," pag-amin din niya.

Read: Netizens gush over Bela Padilla, Song Joong-ki’s selfie together

WILL SHE POST HER ACNE EXPERIENCE ONLINE?

Hindi pa mapagdesisyunan ni Bela kung ipo-post niya ang litrato sa social media.

"Siguro puwede naman, baka I might share it on my social media pages. Kasi, on my personal social media accounts, I try to keep it aspirational.

"Kasi, lahat naman tayo may pinagdadaanan, lahat naman tayo may days na malungkot tayo. Pero yung mga parts na iyon ng buhay ko, hindi ko pino-post dahil I like to keep things positive and light.

"Kasi feeling ko, ang mga tao rin, pagod na pagod na. Habang nag-i-scroll, ang dami mo nang nakikitang masasamang balita, lalo na sa bansa natin, ang dami mo rin nakikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I like the idea na when they visit my pages, it’s very light and positive, and they can draw inspiration for it."

May nagbanggit na magandang testimonial ang kanyang personal na karanasan para sa Aera, ang skin-care line ng iWhite Korea, kunsaan si Bela ay endorser at partner.

Sabi ni Bela, "But you’re right, maybe when I’m ready, I can share the photo. Pero, shock ako talaga ron, nahihiya talaga ko.

"Hindi ako nagse-selfie ng mga panahong iyon. I just took one picture to send to the team.

"'Hayan, guys, this is what I look like right now.' Kasi nga, parang everyone naniniwala na I [always] have clear skin."

Bahagi ng skin-care regimen ni Bela ang mga produkto ng Aera—na ang ibig sabihin sa Korea ay "love"—gaya ng Aura Water Sunscreen, Stellar No Oil Face Gel, at Milky Way Glow Drops Serum.

Aniya, "Kaya nga let’s also work on preventive skin care, instead na aayusin mo siya dahil nandiyan na, nakalabas na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kampante ang kalooban ni Bela dahil ang beauty brand partner niya ay higit 20 taon na sa business.

Noong 2020, una nang nasubukan ni Bela ang makipag-collab sa isang Korean skin-care brand, pero hindi raw niya masasabing nagtagumpay iyon.

Pero nagsilbing "trial and error" daw ang karanasan niyang iyon, at ngayon ay mas alam na raw niya ang "weaknesses" sa negosyong pinapasukan.

Read: Bela Padilla claps back at netizen for nasty comment: “Wala akong inirapan.”

ON SKIN-CARE ISSUES

Ang pagkakaroon ng skin-care problems ay nagdudulot ng mental health issue tulad ng depression para sa iba.

Sabi naman ni Bela, "You know what, it’s funny maybe because lumaki kasi ako in the 90s.

"Parang yung mga batang 90s, hindi kami sanay na pinag-uusapan ang mental health issues or problems namin.

"I have experiences or I go through days when it’s heavier than others. Pero siguro, kapag pinalaki ka ng Asian mom, like Pinay mom, alam mo kung paano ayusin on your own," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang hindi ka talaga nagri-reach-out na, 'Guys, problemado ko today, puntahan niyo ko,' walang ganon, e.

"Kung lumungkot man ako dahil nag-breakout ako nang ganon, it’s parang something I’ll solve on my own or I’ll fix on my own."

Read: Bela Padilla, muling tumungtong sa GMA-7; nagpa-picture sa estatwa ni Machete

ON BELA living in london

Katatapos ni Bela na i-shoot ang bagong pelikula nila ni JC Santos, ang Wish You Were The One.

Pero nakabalik na rin uli si Bela sa London habang isinusulat ang artikulong ito.

Hanggang kailan siya sa London?

"Actually, hindi ko pa alam, e. Kung yung movie namin ni JC na totoo na ang playdate namin na September, uuwi ako ng September. Kung hindi, baka next year na."

Read: Bela Padilla now based in the UK; explains how she's able to sustain living abroad

Kasagsagan ng pandemya nang magdesisyon si Bela na maging homebase niya ang London.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang for me, with the pandemic kasi, it made the world smaller. Parang home is not even one place anymore for me," saad niya.

"At sorry, ibabalik ko lang, it’s one of the reasons din why we came up with this skin-care line because pabalik-balik ako. Iba-iba ang weather na naaabutan ko rito.

"Pagdating ko ng London, sobrang lamig. Parang kailangang-kailangan ko talagang alagaan ang sarili ko," paliwanag ni Bela.

Mas nakakapagsulat din daw siya ng scripts sa pelikula kapag nasa London siya.

Patuloy niya: "So, right now, I’m all about that—skin care, my health, and like you’ve said, mental health. Whatever way I’m doing, I’ll make sure na parang it’s cleansing for me.

"If London is helpful in my cleansing for now, then, that’s where I will be. If I need to be here, I’ll be here. Parang right now, I just let life take me where I need to go."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla on being diagnosed with PCOS since she was 19: "I’m prone to have acne, and, you know, it can cause insecurities. Even when you’re growing-up, you’re in front of the camera. Yung trabaho mo, palaging nakaharap ang mukha mo, it’s really hard."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results