Carmi Martin reveals relationship with a gay before

by Arniel C. Serato
Aug 27, 2019
Carmi Martin: "Ako kasi, hindi ako, I’m a Christian, pero hindi ako mapanghusga. Parang minsan nga, sinasabi ko, siguro ang saya nun. Yung pareho lang kayong bakla sa bahay, yung ganun, may anak. Kaya lang, ang pinili ko talaga ngayon is not to get married and to stay single."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Hindi ikinahiya ng beteranang aktres na si Carmi Martin na minsan sa kanyang buhay ay nagkaroon siya ng karelasyong bading.

Pero, nalaman na lamang daw niya noong naghiwalay na sila.

Kuwento ng 56-year-old actress, “Ay naku, maganda yung kuwento ko diyan.

“Nagka-boyfriend ako at ngayon, friends kami, at may boyfriend na siya.

“Minsan nga, nag-a-out of town pa kaming magkasama.

“Ang parang naging joke nga, naging bading siya kasi dahil hindi na raw kami.

“Pero siyempre nung kami pa, hindi ko naaamoy na ganun nga siya.”

Umabot daw sa halos isang taon ang naging relasyon nila ng non-showbiz guy.

Dagdag pa niya, “Mga 8 months. At ang kagandahan, talagang girl na girl na siya.

“Ako nga walang boyfriend, pero siya meron.

“Ngayon ang tawagan na namin, siya si tatay, ako si nanay at yung boyfriend niya, anak.

Hindi daw naamoy ni Carmi ang totoong sexual preference ng kanyang ex-boyfriend kaya nagulat siya nung naghiwalay sila dahil nag-out na daw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa naging boyfriend, may nanligaw pa daw sa kanya na bading din pala.

Natatawang kuwento ni Carmi, "Actually, nagkaroon pa ako ng isang manliligaw, taga-Sta. Ana pa ako

“And then, nabasted. Mamaya nung may Santacruzan, nakita ko, naka-ano na.

“Di ba, may Santacruzan ang mga gays, sabi ko, ‘Parang si ano ‘to.’

“Ayun, nakapang-muher na siya.

“Kaya nagkaroon talaga ako ng experiences, o ha plural yan, na talagang may nanligaw sa akin at yung isa naging boyfriend ko pa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmi sa grand presscon ng The Panti Sisters, ang entry ng Black Sheep at The IdeaFirst Company sa paparating na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019.

Bukod kay Carmi, bida rin sa pelikula sina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, at Christian Bables.

Mapapanood na ito sa mga sinehan sa darating na September 13.

“TO STAY SINGLE.”

Sa kanyang edad ngayon, wala na daw balak pa si Carmi na mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit sa usaping pagkakaroon ng ka-partner na bading katulad ng komedyanteng si Ogie Diaz at bumuo ng pamilya, ay wala na din daw sa plano niya.

Tugon ni Carmi, “Ako kasi, hindi ako, I’m a Christian, pero hindi ako mapanghusga.

“Parang minsan nga, sinasabi ko, siguro ang saya nun.

“Yung pareho lang kayong bakla sa bahay, yung ganun, may anak.

“Kaya lang, ang pinili ko talaga ngayon is not to get married and to stay single.

“And for me, enjoy lang ako na kausap yung naging mujer na aking ex na super friend-friend ko ngayon, yun”

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
Carmi Nartin
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmi Martin: "Ako kasi, hindi ako, I’m a Christian, pero hindi ako mapanghusga. Parang minsan nga, sinasabi ko, siguro ang saya nun. Yung pareho lang kayong bakla sa bahay, yung ganun, may anak. Kaya lang, ang pinili ko talaga ngayon is not to get married and to stay single."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results