Gandarang aktres, may karibal na sa yayamaning personalidad

Gandarang aktres, may karibal na sa yayamaning personalidad

May taynga ang lupa, may pakpak ang balita. Digital na ang tsismis, kung lumipad ay kaybilis!

Noon pa pinag-iinitan ng mga kati-katera at uzi ang lifestyle ng gandarang aktres.

Pandemya at wala masyadong project ang gandarang aktres, pero alta ang kanyang dating. May-I-flex ang gandarang aktres sa kanyang sasakyan, na more or less ay worth P4M.

Lumutang ang pangalan ng isang yayamanin at maimpluwensyang personalidad na siyang nagregalo kay gandarang aktres ng bonggacious na sasakyan.

I wonder, napanood kaya ng gandarang aktres ang pelikulang Etiquette for Mistresses (2015) na tinampukan nina Kris Aquino, Claudine Barretto, Kim Chiu, at Iza Calzado?

O nabasa niya ang aklat ni Jullie Yap-Daza na pinagbatayan ng nasabing pelikula?

GORGY RULA

Matagal ko nang narinig ang tsismis na iyan. Kasi, nanahimik for a while ang career ni gandarang aktres.

Pero ngayon ay bumalik ang bango ng kanyang pangalan at tila tuloy na ang pag-alagwa ng career, tiyak na sisingaw ang kuwentong iyan at lalabas ang buong katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero masalimuot ang tsismis na ito. May papasok na isang karakter sa katauhan ng isa ring maganda at mabining aktres.

Out na kaya siya kay yayamanin at maimpluwensyang personalidad? Bibitaw kaya siya, e, living in style din noon si mabining aktres?

Abangan na lang natin kung sino ang titili ng, “Ako ang nagwagi!"

NOEL FERRER

Naku, may karibal pa pala—ang dami naman pala nilang waiting in line.

Ano kaya ang sasabihin ng Legal Wife sa mga babae sa dilim? Paano kaya kapag nabunyag ang mga lihim?

Ay, naku, may kapalit ang masalimuot na buhay.

Buti na lang, tayo ay mga abang mortal lang… hindi tayo superhero o bayani ng bayan!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results