Vice Ganda, inalala ang pagiging "matigas" noon at ang resulta ng sobrang pag-enjoy ng kanyang true sexuality

Vice Ganda, inalala ang pagiging "matigas" noon at ang resulta ng sobrang pag-enjoy ng kanyang true sexuality
by Test Author
Published Aug 23, 2021
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi nakalimutan ni Vice Ganda na batiin ng “Happy Father’s Day “ ang kanyang pumanaw na ama na si Reynaldo Viceral sa episode kahapon, June 19, ng It’s Showtime.

Bata pa si Vice nang patayin sa pamamagitan ng baril ang kanyang ama na barangay captain sa kanilang lugar sa Tondo, Manila.

Traumatic para kay Vice ang pangyayari dahil kaharap siya nang barilin ang tatay niya.

Kasama siya sa ospital na pinagdalhan sa kanyang ama na nalagutan ng hininga sa paanan niya.

Hanggang ngayon, hindi pa nakakamit ng kanilang pamilya ang hustisya.

Binawian ng buhay ang ama ni Vice na hindi nito alam na bakla ang kanyang anak na bunso at ito ang ikinuwento ng TV-host comedian sa recent Sandwich Session niya sa mga editor ng Summit Media.

“When my tatay died, bata pa ako noon, twelve years old, so hindi pa ako baklang-bakla. Alam ko na sa sarili ko na bading ako, sa school, sa mga kaibigan ko, bading ako pero sa bahay hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Matigas ako, I was really hiding my gender expressions. I was hiding my gender identity, everything about my sexuality, my personality, itinatago ko.

“I was wearing a mask, bunsong lalakeng anak, yun ang projection ko sa bahay namin,” kuwento pa ni Vice.

May importanteng mensahe si Vice para sa lahat ng mga kabataan nang tanungin siya tungkol sa life advise na ibabahagi kung babalikan ang mga nangyari sa kanyang buhay noong early 20’s pa ang edad niya.

“I really enjoyed fully my youth except for one, kung babalikan ko siya, sasabihin ko lang sa kanya is to prioritize my education.

“Because at that time, I really enjoyed my discovery and realization about my gender identity and my sexuality, my own person.

“When I discovered that, in-enjoy ko lahat yung full potentials ko as a gay person, in-enjoy ko nang bongga and it resulted…napabayaan ko yung studies ko.

“I wasn’t able to graduate political science at sa aming magkakapatid, sa aming lima, kahit hirap na hirap yung nanay ko, gumradweyt ng college lahat ng magkakapatid except me.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“That’s the one thing na I wasn’t able to give my parents, that gift of diploma. Hindi ko talaga naibigay iyon kaya bumabawi ako sa ibang paraan ngayon.

“‘Yun ang pride na naibigay ng lahat ng kapatid ko pero I wasn’t able to supply that to my family, so I’m trying my very best to make it up sa ibang bagay.

“So kung babalik ako at saka sa mga may privilege na makapag-aral ngayon, don’t waste that privilege because a lot of people are deprived.

“A lot of people are trying so hard just to get that chance and privilege to have education so don’t waste it dahil napakahalaga, especially now, na nag-e-evolve ang mundo.

“Maraming discoveries, ang complicated ng evolution but still, education is the major thing na kailangan hindi mawala.”

Hindi man natapos ni Vice ang kanyang political science course, tiyak na ipinagmamalaki siya ng kanyang ama at ina dahil sa tagumpay ng showbiz career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon si Vice ng digital concert sa July 17, ang Gandemic: The VG-Tal Concert at sina Anne Curtis at Ice Seguerra ang dalawa sa kanyang mga special guest.

>

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results