Willie Revillame dinala ang Wowowin sa Puerto Galera: "Basta gusto, may paraan."

by Test Author
Aug 20, 2021
PHOTO/S: Courtesy: GMA News Online

Apat na araw nang replay ang Wowowin: Tutok to Win kaya gumawa ng paraan si Willie Revillame para muling mapanood nang live ang kanyang programa sa GMA-7.

Ginawa ni Willie na posible ang imposible dahil mula sa Clark, Pampanga, inilipat niya ang set ng Wowowin sa kanyang beach resort sa Barangay Palangan, Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Isinama ni Willie sa Puerto Galera ang mga dancer at ang bagong staff ng Wowowin.

Tap image to flip

Literal na tinawid nila ang mga ulap at dagat, gamit ang kanyang helicopter at yacht, para sa live telecast ng programa dahil sa kagustuhan ni Willie na ipagpatuloy ang paghahatid ng kasiyahan at kaligayahan sa ating mga kababayan.

Sabi ng TV host tungkol sa pasya niyang gawin sa Puerto Galera ang show, “Kung gusto mo, gagawa ka ng paraan. Kung kailangan, nandito po ang Wowowin, Tutok to Win.

“Apat na araw ho kaming nawala dahil medyo kailangan ayusin ang lahat. Basta gusto, may paraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ito ang paraan namin, nakipag-usap ako sa lahat ng mga namumuno, sa mayor ng Puerto Galera, para lang po matuloy ang programa, makapagbigay ng saya, at makapagbigay ng tunay na kaligayahan at tulong para sa mga kababayan.”

Para matuloy ang kanyang live show, kinuha ni Willie ang serbisyo ng mga cameraman, technical staff, at direktor na mga nakatrabaho niya noon sa ABS-CBN at TV5.

Iginiit ni Willie na mahigpit na pinaiiral sa kanyang beach resort ang physical distancing, pagsusuot ng mga face mask at face shield para sa kaligtasan ng lahat.

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang IATF, Department of Health, Department of Interior and Local Government, at si Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan dahil sa pagtulong sa kanya.

“Sabi nila, hindi ka puwedeng mag-show sa Metro Manila dahil ECQ [Enhanced Community Quarantine].

“So, gumawa po ako ng paraan, sumulat po ako sa kanila.

“Dumaan kami sa tamang proseso, lahat nag-RT-PCR. Thank you, Lord, kaming dalawa ni Direk Randy [Santiago], e, negative naman kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Negative sa sakit, pero positive sa puso at pag-iisip."

Nagbitaw rin si Willie ng salitang importanteng may trabaho sa panahon ng pandemya kaya dapat magtulung-tulong ang lahat, pero hindi niya tinukoy kung para kanino ang kanyang mensahe.

Saad niya, “Ang buhay, tulong-tulong, huwag kayong matakot.

"Tandaan niyo, kapag natakot kayo, mawawalan kayo ng trabaho. Ipaglaban niyo.

"Magugutom ang pamilya niyo kapag umayaw kayo. Dapat ipaglaban niyo.

“Yung COVID na ‘yan, labanan natin ‘yan.

"Paano natin lalabanan ang COVID? Face mask, face shield, social distancing, RT-PCR, mag-ingat.

Yun ang panlaban dahil yun ho ang sinasabi ng DOH, yun ang sinasabi ng World Health Organization.

“Papaano ang pamilya mo? Papaano ang pambili ng gamot ng pamilya mo. Papaano ang pambili ng bigas?

"Kailangan ng trabaho, at the same time, mag-ingat tayo."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy: GMA News Online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results