Marian Rivera on bashers: “Wala po talaga akong pakialam.”
by Test Author
Aug 24, 2021

Walang panahon si Marian Rivera, 37, na pumatol sa bashers.

Para sa kanya, hindi sila nag-e-exist.

Ito ang reaksiyon ng Kapuso Primetime Queen matapos matanong pagdating sa pagkakaroon ng bashers at mga kritiko.

“Sa totoo lang, wala po talaga akong pakialam,” ani Marian, na sinundan niya ng tawa.

HOT STORIES

“Dedma talaga ako. Wala. Never mind. Dedma.

“Kung talagang makulit sa Instagram or what, e, di, delete, block, and then exit.

"Parang hindi sila nag-e-exist sa mundo. So, huwag na lang. So, dedma ka na lang talaga.”

May ibang artistang sumasagot o kaya pumapatol sa bashers. Pero si Marian, mas pinipiling hindi pumatol.

Sabi niya, “Hindi po, e, kasi wala na po akong time para pumatol.

“Parang mag-alaga na lang po ako ng anak kesa pumatol ako at magbabad sa Instagram.

HOT STORIES

“So, ‘wag na lang po.”

Nagsalita si Marian sa virtual event ng Beautéderm, ang iniendorso niyang beauty brand, noong Biyernes, August 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON BEING A PUBLIC FIGURE

Ayon kay Marian, bilang public figure, hindi niya ipagdadamot ang kanyang buhay sa publiko.

Nauunawaan daw niyang interesado ang mga tao kahit sa kanyang pribadong buhay.

“The mere fact na artista ka, public property ka, and wala ka namang choice.

“At kung hindi naman dahil sa mga taong nagmamahal na ito sa ‘yo... Gusto lang malaman ang konting piraso ng buhay mo, kung anong nangyayari.

“Para sa aming mag-asawa, like, example nanganak ako, shinare ko yung picture sa kanila with Zia and Sixto,” pagtukoy ni Marian sa dalawang anak nila ni Dingdong Dantes.

Dagdag niya, “Ibig sabihin ay pinapahalagahan namin sila. Kung wala sila, wala ako."

Pero may pagkakataong hindi naman daw kailangang ibahagi pa sa publiko ang ibang bagay tungkol sa kanyang buhay.

“Okay akong mag-share, pero siyempre, meron akong pagkakataon na may mga sad moment.

“Pag ganun, hindi ka naman magiging inspirasyon. Pag ganun, bakit kailangan mo pang ipaalam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May mga pagkakataon na para sa ‘yo na lang.

“Pero kung kailangang i-share at gusto nilang malaman, bakit hindi, bilang sukli sa pagmamahal [nila]," katuwiran ng Kapuso actress.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results